Tungkol sa amin About us

Ang Ministri para sa mga Etnikong Komunidad ang punong tagapayo ng pamahalaan tungkol sa etnikong pagkakaiba-iba at inklusyon sa lipunan ng New Zealand.

Ngbibigay kami ng impormasyon, payo, at mga serbisyo sa mga etnikong komunidad.

 

Ang aming gawain

Nakikipagtulungan kami sa mga komunidad, ahensya ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon upang patatagin ang kagalingan ng mga etnikong komunidad sa New Zealand.

Ang aming ginagawa:

  • Magpayo tungkol sa epekto ng mga polisiya ng pamahalaan sa mga etnikong komunidad at naghahanap ng mga pagkakataon para sa positibong pagbabago
  • Pagbutihin kung paano tumutugon ang pampublikong sektor sa mga pangangailangan ng mga etnikong komunidad
  • Unawain kung ano ang kailangan ng mga etnikong komunidad upang magtagumpay at ipabatid ito sa pamahalaan
  • Suportahan ang mga etnikong komunidad upang makamit ang kanilang mga mithiin.

 

Ang aming mga pinahahalagahan

  • Manaakitanga – mabait
  • Whakakotahitanga – inklusibo
  • Whakamanawanui – may lakas ng loob
  • Ngākau Pono – mapaniniwalaan

 

Ang aming istratehiya

Ang aming istratehiya ay ang paggamit ng mga sinabi sa amin ng ating mga etnikong komunidad at interesadong partido (stakeholders) na dapat naming pagtuunan sa unang ilang mga taon namin. Sinabi nila na nais nilang mapabilang, umambag, at makita bilang matatatag na taga-ambag sa pag-unlad at kinabukasan ng New Zealand.

Kabilang sa aming Istratehiya ang Kia Toipoto (Pay Gap) na Plano ng Aksyon at ang aming pangako na igagalang ang Te Tiriti o Waitangi (The Treaty of Waitangi).

Basahin ang aming Istratehiya

 

Ang aming mga prayoridad

Nabuo ang aming mga prayoridad makaraan ang pakikipag-ugnayan sa mga etnikong komunidad.

Sumang-ayon ang Gabinete na ang mga prayoridad ng Ministri ay ang:

  • Pagtataguyod ng kahalagahan ng pagkakaiba-iba at pabutihin ang inklusyon ng mga etnikong komunidad sa mas malawak na lipunan
  • Pagtiyak na ang mga serbisyo ng pamahalaan ay ibinibigay nang patas at madaling ma-access ng mga etnikong komunidad
  • Pabutihin ang mga kalalabasang pang-ekonomiya para sa mga etnikong komunidad at tingnan ang mga hadlang sa pagtatrabaho
  • Iugnay at iangat ang mga grupo ng etnikong komunidad.

Last modified: