Sa pahinang ito
Bakit mahalaga ang cyber security sa akin?
Ang internet at social media ay kahanga-hangang mga platform na tumutulong sa atin na magbahagi ng impormasyon at manatiling nakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.
Subali't ang mga ito ay ginagamit din ng mga kriminal at iba pang labag sa batas na mga organisasyon upang tangkaing kunin ang iyong pera, ang iyong impormasyon o upang takutin ka.
Sila ay gumagana saanman sa mundo, matatas magsalita ng karamihan sa mga wika at lumilikha ng mga nakakukumbinsing website na peke. Kokontakin ka nila sa pamamagitan ng email, social media at text message at sisikapin nilang takutin o gawin kang balisa, kaya hindi ka na makapag-isip nang malinaw.
Ang lahat ng ito ay nangangahulugan na dapat kang maging handa at laging may kamalayan sa mga panlilinlang na ginagamit nila.
Ano ang ilan sa mga karaniwang isyu na maaari kong makita sa online?
Ang mga ito ay ilan sa mga pinaka-karaniwang sitwasyon na nakikita natin.
- Makakatanggap ka ng kahina-hinalang email o text message na humihiling na i-click mo ang link.
- Ang mga link na ito kadalasan ay hahantong sa mga pekeng website na idinisenyo para nakawin ang iyong login o mga detalye ng iyong pananalapi.
- Makakatanggap ka ng kahina-hinalang tawag na humihiling ng personal na impormasyon.
- Ang tumatawag ay nagpapanggap na siya ay mula sa iyong bangko at humihingi ng impormasyon.
- Makakatanggap ka ng komunikasyon mula sa isang tao na nagpapanggap na isang taong may awtoridad, at tatangkaing ipagawa sa iyo ang isang bagay.
- Kadalasan, ang taong ito ay magbabanta.
- May nakapasok na isa o mahigit pa sa iyong mga online account (halimbawa, email o social media).
- Kung may nakapasok sa iyong online account, maaari niyang nakawin ang impormasyon, mag-redirect ng mga pagbabayad, at maaaring ma-target ang iyong mga kaibigan o pamilya sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ay ikaw.
- Nanakaw ang mga detalye ng iyong credit card, o na-scam ka ng pera sa isang pekeng pagbebenta o pamumuhunan.
- Umaasa ang mga scammer na makakakita ka ng magandang alok at gugustuhin mong magbayad nang hindi nag-iisip. O baka naman ang tunay na website ay nasangkot sa isang paglabag sa mga datos (data breach) at ang iyong mga detalye ay nabunyag sa online.
May karagdagan pang mga sitwasyon dito: Get help now - Own Your Online
Paano ako mananatiling ligtas sa online?
- Mga password na mahaba at bukod-tangi
- Kung mas mahaba ang password, mas matatag ito.
- Gumawa ng memorableng password na mas higit pa sa 16 na character sa pamamagitan ng pagkakabit-kabit ng apat na hindi pinipiling mga salita (halimbawa: TriangleRhinoOperationShoes), tapos ay dagdagan ng mga numero, malalaking titik at simbolo kung kailangan (halimbawa: Triangle&"Rhino"Operation2Shoes).
- Mas mahalaga, huwag uulitin ang iyong mga password. Kapag nakuha ng isang kriminal ang isa sa iyong mga password, tatangkain niyang gamitin ito sa iba pang mga account.
- Gumawa ng mabubuting password – Own Your Online
- I-on ang two-factor authentication.
- Karagdagang impormasyon ito – karaniwan ay isang code sa iyong telepono – kailangan mong mag-log in sa isang website.
- Ang paraang ito ay labis-labis na matatag at makakapigil sa karamihan ng mga pagtatangkang pasukin ang iyong mga account.
- Inererekomenda namin ang paggamit ng 'authenticator app', kung saan ito ay sinusuportahan.
- Mag-set up ng two-factor authentication (2FA) - Own Your Online
- Manatiling pribado sa online
- Ang pinakamahusay na opsyon para manatiling ligtas sa social media ay ang pag-turn on ng iyong mga privacy setting.
- Pipigilan nito ang mga ala-suwerteng mga tao, kabilang ang mga cybercriminal, na makita ang iyong mga post o magpadala sa iyo ng mga message.
- Protektahan ang iyong pagkapribado sa online - Own Your Online
- Laging i-update ang lahat
- Kapag nag-update ka ng iyong telepono, kompyuter o software, babarahan din nito ang anumang mga butas na mayroon sa seguridad.
- Ang mga kriminal ay laging naghahanap ng mga paraan para makapasok at naaayos ng mga update ang mga kahinaan.
- Laging mag-update - Own Your Online
- Laging mag-ingat
- Ang pinakamainam na payo ay magkaroon ng kamalayan sa mga scam na ito at maging alerto sa mga ito kung tatangkain ng mga kriminal na kontakin ka sa anumang online platform.
- Kung may anumang bagay na tila mali, huwag makipag-usap sa taong kumontak sa iyo. Lalo pang maging maingat kung hihingi siya ng pera, kahit na tila mabait siya.
- Mag-ingat sa mga kakaibang link at email address (halimbawa, hindi magpapadala ng email sa iyo ang iyong bangko mula sa isang gmail account).
- Kung nagdududa ka, kontakin mo nang direkta ang organisasyon at huwag susundan ang anumang mga link o numero ng telepono na ipinadala sa iyo.
Ano ang dapat kong gawin kung ako ay na-scam o mas grabe pa?
Marami kang mapupuntahang mga lugar para sa tulong. Lahat ng mga organisasyong ito ay hindi magbabahagi ng iyong mga detalye kaninuman, maliban kung nagbigay ka ng pahintulot.
- Maaari kang magsumbong ng mga insidenteng cyber sa NCSC sa pamamagitan ng CERT NZ portal at matutulungan ka namin o iuugnay ka sa ibang ahensya: Magsumbong ng insidente | CERT NZ
- Kung nawalan ka ng pera, dapat mong kontakin kaagad ang iyong bangko.
- Ang mga scam text message ay maaaring ipadala, nang libre, sa 7726, isang serbisyong pinapatakbo ng Department of Internal Affairs.