Pag-access sa mga serbisyo ng interpreter kapag tumatawag sa mga ahensya ng pamahalaan Accessing interpreting services when calling government agencies
Kung tumatawag ka sa isang ahensya ng pamahalaan at kailangan mo ng tulong sa wika, humiling ka ng interpreter.
Responsibilidad ng ahensya ng pamahalaan na tiyaking maa-access ang mga serbisyo nito. Kabilang dito ang pagbibigay sa publiko ng mga propesyonal na interpreter nang libre.
Paano ang pagkuha ng interpreter
- Tawagan ang ahensya ng pamahalaan.
- Humiling ng interpreter sa taong sasagot at sabihin ang wikang ginagamit mo. Kailangan mong humiling nito sa Ingles, kaya bago ka tumawag, praktisin mong bigkasin ang salitang 'interpreter' (in-ter-pri-ter), at ang Ingles na pangalan ang iyong wika.
- Sasabihan kang maghintay. Maghintay ka - huwag ibababa ang telepono.
- Kung mayroon, sasali sa tawag ang propesyonal na interpreter para tulungan ka. Maaaring kailangang maagang mag-iskedyul ng mga interpreter ang mga ahensya ng pamahalaan para sa ilang mga wika.
Kung kailangan mo ng interpreter para sa isang miting na harapan o naka-video, mag-email nang maaga sa ahensya para matiyak na may makukuhang interpreter.
Maraming mga ahensya ng pamahalaan ang maaaring tumulong sa iyo para sa suporta ng interpreter. Hanapin ang buong listahan sa: www.mbie.govt.nz/language-assistance-services/participating-agencies
Kung ikaw ay may mga tanong o alalahanin tungkol sa pag-access ng mga pampamahalaang serbisyo ng interpreter, mag-email sa amin sa info@ethniccommunities.govt.nz
Mag-download ng impormasyong ito
- Suporta sa wika kapag tumatawag sa mga serbisyo ng pamahalaan [PDF, 30KB]
- Humiling ng interpreter [JPEG, 385KB]